Gusto kong magkunwari na sa isang punto sinulat toh ng boypren kong wala na yatang ginawa kundi maglaro ng Warcraft, mag-exercise at mag-swimming!!! Kunwari daw sinulat niya toh nung nasa Dubai pa ako at nadiskubre ko ang papel na pinagsulatan niya sa nilamutak na pitakang itinabi ni Ate Pelay doon sa mesa na ginawang tambakan ng mga luma't nakalimutang 'anik-anik' ng mga alaga niya. Kunwari daw sa sobrang sabik eh di na nakatiis si Rez na magsulat ng nakakalaglag panty na tula.
Kunwari lang. Kunwari lang kasi ang letse kong boypren eh di kailanman nag-isip na gumawa ng mga ganitong klaseng kadramahan sa buhay. Hahay.
Lipuna'y malupit pagkat pinaglayo
Ang nag- iibigan nating mga puso.
Tipid sa pasahe'y, tipid sa pagsuyo,
Sa hirap ng buhay, bihirang magtagpo.
Lagi tayong sabik sa isa't isa.
Mabuti na lamang at may cellphone, sinta,
Ilang pindot lamang sa hanay ng letra,
Sa halagang piso'y nakokontak kita.
Salamat sa cellphone, salamat sa texting,
Kahit magkalayo tayo'y magkapiling.
Ay, kung alam mo lang, para akong lasing
Pagkat ang ring tone ko ay ang theme song natin.
At dito sa screen, sa munting bintana,
Ang nakalarawa'y ikaw, aking mutya!
Laging nakadungaw ang maamong mukha,
Ay, ang ngiti mo, giliw, kadluan ng tuwa.
Kaya maya't maya'y aking tinitiyak
Na may signal ako at 'di maglolobat
Pagkat kung sakaling hindi ako makontak,
Pabayang sarili'y 'di mapapatawad!
Cellphone ko'y second- hand at lumang modelo,
Kantyaw ni Jess Abrera ay "panggadgad ng yelo,"
Pero hindi bale, sa pag-ibig ko sa iyo
Ay laging sariwa, at laging brand new.
Kaya kahit anong tukso ang marinig,
Taas ang nook ko at tuwid ang tindig.
Ang mas mahalaga'y ang ating pag-ibig
At kahit sandali'y tayo'y magkaniig.
Ay! Tiniis ko ang hindi tumawag
Para ang aking load, 'di maubos agad.
Patext-text lang ako, e kasi nga, swithart,
Masakit sa bulsa ang presyo ng cell card.
At ang mas masakit, may gustong humadlang
Sa ating long distance na pagmamahalan!
Aba, ang text message, gusto raw buwisan
Nitong ating bwisit na pamahalaan!
Aba'y walang puso! Kung meron man marmol!
Sa nagpanukalang mga asong ulol,
Pangako mahal ko, tiyak na bubukol
Panggadgad ng yelong aking ipupukol!
Nagtitipid ako pagkat nagmamahal
Kaya manalig ka't maniwala, Mahal.
Dahil ang maiipon kahit butal- butal,
Malaking tulong din sa araw ng kasal.
(O ano?!!Wala akong pakialam kung binabasa mo toh' ngayon at lalong-lalo na wala akong pakialam kung nababasa toh' ng mga kaibigan ko!Blog ko toh' kaya wag kang umasa na tatanggalin ko tong entry na toh'.)
walt whitman tagalog version with rules. kewl. astig nyo po mam.
ReplyDeletein a scale of one to five with five as the highest and one as the lowest, six po ito. :D
hahaha...late ko ng nakita tong comment na toh...so much for notifications...but thanks a lot...
ReplyDelete